Jay Arcilla, thankful sa kanyang first drama appearance after 'StarStruck'

By AL KENDRICK NOGUERA



Hindi man nasungkit ni Jay Arcilla ang StarStruck Season 6 Ultimate Survivor title, feeling niya naman ay nanalo na rin siya dahil ibinigay kaagad ang kanyang first drama appearance nang makasama siya sa cast ng Little Nanay.

LOOK: Si Reggie, ang bagong best friend ni Tinay sa 'Little Nanay' 

"After StarStruck, ito na agad. Sobrang thankful ako. 'Yung mga kasama ko, mayroon din silang upcoming projects pero ako 'yung nauna na mayroong acting agad," pahayag ni Jay.

Ang tinutukoy ni Jay na upcoming projects ng kanyang StarStruck batchmates ay ang Encantadia nina Migo Adecer at Klea Pineda at ang Poor Señorita nina Elyson de Dios at Ayra Mariano.

READ: Ayra Mariano at Elyson de Dios, pressured sa kanilang unang primetime series 

Dahil dancing talaga ang talent ni Jay, aminado siyang medyo mahina raw siya sa acting noon. Buti na lamang daw ay nakaalalay ang kanyang co-stars sa Telebabad soap.

"Nabigla ako kasi sa StarStruck naman 'di ba alam niyo naman 'yung acting ko roon [ay] 'di masyadong pasok. Pero rito natututunan ko umarte kasi [ang] mga kasama [ay] bigating stars and talagang tinuturuan nila ako. And nag-a-ask din ako sa kanila ng techiniques," saad niya.

Bukod dito, nagulat din daw siya sa dami ng linyang kailangang niyang pag-aralan. Aniya, "'Yung binigay 'yung script sa 'kin, ang kapal. Hindi katulad nung sa StarStruck parang ilang [pages] lang. Pero rito marami na akong sequences and tapings na dapat puntahan. Talagang binasa ko lahat 'yon. Binasa ko 'yung story, kung paano ako nakapasok sa istorya. Kung ano 'yung mga dapat na aralin ko, inaral ko talaga."

"Ah hindi ko nagdalawang isip [tanggapin ang Little Nanay] kasi sabi ko nga, nagpapasalamat ako kasi exposure na rin 'to," pagtatapos niya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

LOAD MORE