LebaNoy AJ Ajrouche, patutunayang nararapat siyang maging bahagi ng isang Pinoy boy band

August 4, 2015

By CHERRY SUN

 
Laki mang Lebanon at hirap mag-Tagalog, desidido si AJ Ajrouche na patunayang nararapat siyang mapabilang sa isang Pinoy boy band.
 
“[Performing] feels more awkward here ‘coz they all speak one language here and they don’t know that I don’t speak Tagalog fluently,” kuwento ni AJ tungkol sa pag-perform dito sa bansa.
 
 
Ngunit higit sa nararanasang language barrier, mas nakaaapekto sa That’s My LebaNoy ng To The Top ang pagkawalay niya sa kanyang pamilya.
 
Tinitiis ni AJ na malayo sa piling ng kanyang mga mahal sa buhay para tuparin ang kanyang mga pangarap. Ang nakababata niyang kapatid na si Ali lamang ang kanyang tanging pamilya rito.
 
Pag-amin niya, “I feel [their absence] a lot in every single performance. It’s a bit hard when I think about this ‘coz in Lebanon, every time I perform or I have something, my parents are always there after the performance congratulating me even if I was good or bad.”
 
Dagdag din niya, nais pa rin niyang gampanan ang pagiging kuya kay Ali kahit nasa loob siya ng artists’ camp. Aniya, “I find my brother as my friend here. Every time I see him, we always do something for him not to feel he’s out of place.”
 
Ilan lang ito sa sinakripisyo ni AJ para maabot ang kanyang hangarin at tumutulak sa kanya para lalo pang pagbutihan sa kumpetisyon.
 
“I really think it’s worth it. This is a big thing. When you’re doing something you enjoy and you like, you’ll really have an amazing life in the future,” sambit niya.
 
Ngunit paano nga ba lalaban ang isang LebaNoy sa isang Pinoy boy band competition?
 
“I connect by music of course, the way we project the song. We really want people to enjoy what we’re doing, and to feel and put them in our emotions,” pahayag
ni AJ.

SEE ALL STORIES >