Chris Yumang, nais ipagpatuloy ang pangarap ng ama sa 'To The Top'

August 5, 2015

By CHERRY SUN



Aminadong nalungkot si Chris Yumang nang hindi siya nakapasok sa top 14 ng To The Top. Ang pagsali niya kasi sa competition ay alay niya sa kanyang ama na minsan na ring naghangad na maging isang tanyag na singer.

First coach ni Chris ang amang si Mr. Ariel Yumang at ito ang nagsisilbing inspirasyon niya para magpursigi sa pagkanta. Ito raw ang sumuporta sa pagsali niya sa mahigit na 50 contests simula noong 12 taong gulang siya.

Pag-alala ni Chris, tila na-depress daw ang kanyang ama nang pumanaw ang kanyang lolo kaya binitawan nito ang ambisyon na maging sikat na mang-aawit.

“Eto po kasi talaga ‘yung passion at ‘yung gusto ko po talaga sa buhay ko is kumanta para na rin po sa dad ko. Gustong gusto po niya talagang maging singer kaso hindi po natupad. Ako po ‘yung magtutuloy po nung pangarap niya. Gagawin ko po ito para sa kanya,” pahayag ng Comeback Kid ng To The Top.

Kaya naman nang mabalitaan niyang babalik siya sa competition bilang isa sa wild card ay parehong takot at saya raw ang naramdaman niya.

LOOK: Kilalanin ang Wild Cards 

?“Natuwa na parang takot po [kasi] nasa school na po ako, naka-mindset na po ‘yung utak ko sa school. Nung nanalo po ako sobrang natuwa po kasi pangarap ko rin po ito at alam kong matutuwa po famiy ko about sa nakuha ako,” wika niya,

Enrolled na si Chris sa Technological University of the Philippines (TUP) Manila bilang freshman sa kursong Computer Science. Kahit grumaduate siyang Salutatorian noong high school ay priority niya raw muna ngayon ang manalo rito sa competition.

“Okay naman po [na tumigil muna ako sa pag-aaral] kasi magandang opportunity po itong To The Top eh. Once in a lifetime lang po talaga. Siguro po pag tapos po nito, pag medyo hindi na mahigpit ‘yung schedule, mag-aaral po ulit ako,” ani Chris.

“Ipapanalo ko po talaga ‘to para po sa family ko and kay God na binigyan ako ng talent. Gagamitin ko ‘to sa tama, ng maayos,” patuloy niya.

SEE ALL STORIES >