Joshua Jacobe ng 'To The Top,' nakahanap ng trabaho na 'di niya pagsasawaan

August 12, 2015

By MERYL LIGUNAS



Kinakabahan man si Joshua Jacobe sa mga maaaring mangyari sa hinaharap, sinisiguro niyang binibigay niya ang lahat ng kanyang makakaya sa bawat challenge at performance sa To The Top.

Nang siya’y tanungin kung ready na ba siya sa buhay showbiz, sinabi ng tinaguriang Mr. Hataw na hindi pa nag-si-sink in sa kanya ang mga puwedeng mangyari.

“Parang everything is too good to be true,” aniya.

Gayunpaman, kapag naka-ukit na siya ng pangalan sa industriya, alam niya kung anong klaseng artista ang kanyang gustong maging – grounded at thankful.

“[Sisiguraduhin ko na] hindi [po ako dadating sa point na lalaki 'yung ulo ko] kasi ang isang artista, nagiging successful siya hindi lang dahil sa craft niya alone. Nagiging successful siya sa pakikipag-communicate niya sa fans niya kasi [sila] 'yung nagpupush sa kanya para makilala,” sabi ni Joshua.

Walang artista kung walang fans, ayon kay Joshua.

“Parang basic foundation of being a star [is] 'yung fans niya so kailangan makihalubilo sa fans, mahalin [niya sila] kasi sila 'yung sumusuporta [sa kanya] on [his or her] journey,” dagdag niya.

Isa rin sa natututunan niya tungkol sa showbiz ay hindi biro ang schedule kaya’t kailangan niya alagaan ang kanyang sarili.

“[Physically] challenging, kasi nag-te-train kami ng puspusan… 'Yung rest saka food mo ma-co-compromise in a way [kaya posible na] mawawalan ka ng energy minsan, kaso ang pinaka foundation ng performance mo is 'yung health mo],” kuwento niya.

Para kay Joshua, mahalaga na ipaalala niya sa kanyang sarili kung bakit siya nandun dahil madaling sumuko na lang. Dahil dun, hindi niya makalilimutan ang kanyang pagmamahal sa pag-awit at pagpe-perform.

“[Dapat] naka-focus kami sa kailangan naming gawin, sa purpose namin… Motivation ko po [ay] i-pursue 'yung passion ko which is music and gusto ko magkaroon ng career kung saan gusto ko 'yung ginagawa ko, 'yung hindi ako tatamarin, 'yung hindi ako [mag-re-regret kung bakit ganun] 'yung tinahak kong trabaho. Gusto ko na 'yung ginagawa ko ay mahal ko and 'yun 'yung pag-pe-perform,” sabi niya.

Sa daming gustong sumabak sa showbiz, determinado si Joshua na ipakita na deserving siyang mapabilang sa boyband na binubuo ng GMA Network.

SEE ALL STORIES >