Bryan Olano, alay sa yumaong ama ang paglaban sa 'To The Top'

August 13, 2015

By CHERRY SUN



Bago pa man pumasok sa kauna-unahang multi-platform boy bad competition sa bansa, milyon-milyon na ang mga tagahanga ni Bryan Olano. Tinagurian siyang Boy Trending dahil sa mga sikat niyang selfies at dalawang published books.

Gayunpaman, mas nais niyang magtagumpay bilang isang singer sa kadahilanang alay niya rin ito sa kanyang yumaong ama.

“Ever since naman kasi, passion ko talaga ‘yung singing. Kumakanta po talaga ako, lagi akong sumasali ng singing contests ever since bata palang. ‘Yun talaga ‘yung pinakagusto kong gawin araw-araw,” kuwento ni Bryan sa GMANetwork.com.

Ang kanyang ama ang lagi niyang kasama sa pagsali sa contests at TV shows tulad ng Batibot, Little Dreamboy na segment sa isang noontime variety show at nationwide talent show ng isang malaking fast food chain. Dumadayo pa raw sila sa iba’t ibang lugar para makakuha ng exposure at experience.

WATCH: Kilalanin si Bryan Olano, ang Boy Trending ng To The Top 

Ngayong wala na ang kanyang ama, sa iba niyang kapamilya siya humuhugot ng suporta.

Bahagi ni Bryan, “Sinasabi nila na, ‘Ito na ‘yung chance mo talaga. Ito ‘yung hinihintay mo na pagkakataon.’ Sana mangyari nga ‘yung gusto kong mangyari which is ‘yung pangarap ko po at ‘yung pangarap ng dad ko.”

Manalo. Ito lang ang nangunguna sa isip ni Bryan sa pakikipagsapalaran niya sa To The Top.

“Ito ay one step closer para ma-achieve ko ‘yung pangarap ko at pangarap na nakamatayan ng tatay ko para sa akin. Lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Also, para sa sarili ko, at para sa pamilya ko siyempre,” diin nito

SEE ALL STORIES >