Sino ang unang matatanggal sa 'To The Top?'

August 14, 2015

By CHERRY SUN
 
Sa second episode pa lang ng To The Top, nagulat ang 18 contenders nang ianunsyo ni Maestro Ryan Cayabyab na may ma-e-eliminate mula sa pinakamahinang team pagkaraan ng kanilang performances.
 
Sa parehong episode ay inanunsyo rin ang automatic nomination ni Luis Gragera for elimination dahil sa paglabag nito sa isang household rule.
 
Nanganganib mang mawala agad ang Birit Prince ng Rizal mula sa kumpetisyon, wala pang nangyayaring eliminations sa unang tatlong linggo ng programa.
Boy band covers ang naging performances ng To The Top artists sa kanilang unang showdown.
 
Nakamit nina Miko Manguba, Mico Cruz, Edric Ulang, Adrian Pascual, Cholo dela Cruz at Lharby Policarpio ang kanilang unang panalo, samantalang ang Team A na kinabibilangan ni Luis ang pinakamahina para sa judges.
 
Determinadong bumawi sina Lance Busa, Bryan Olano, Chris Yumang, AJ Ajrouche at Louie Pedroso para sa kanilang teammate na si Luis para sa susunod na cycle. This time, ang performances nila ay alay rin nila sa kanilang mga pamilya.
 
Hindi man naging best team ang Team A, hindi rin sila ang naging weakest group. Wala pa ring natanggal na contender hanggang sa ikalawang cycle ng To The Top.

Performance na a capella ang hamon sa Top 18 para sa third cycle this weekend. Ngunit, ito na rin ba ang huling beses na makukumpleto sila? Mayroon na bang tuluyan nang magpapaalam sa kanyang journey to the top?
 
Tutok na sa To The Top ngayong Sabado, 9:55 P.M. at Linggo, 9:40 P.M., sa
GMA 7.  

SEE ALL STORIES >