Adrian Pascual ng ‘To The Top’, may gustong patunayan sa kanyang ama

August 14, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS



Nagkaroon ng pagkakataon si Adrian Pascual na maging extra sa GMA Telebabad show na ??Once Upon A Kiss na pinagbidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Kahit dumadaan lang siya sa likod ng lead cast, nakita ito ng Bulakenyong Baby Boy ng To The Top bilang isang pagkakataon para ipakita na siya’y isang professional kahit sixteen years old pa lamang siya.

WATCH: Adrian Pascual, ang Bulakeñong Baby Boy 

“Parang lalakad lang [ako sa likod ng mga artista pero] puyatan [kaming lahat]. Natutunan ko na kahit extra ka lang, malaking bagay siya. Kahit dumadaan ka lang, kailangan ayusin mo pa rin ‘yung ginagawa mo,” sabi niya.

Isa rin ‘tong paraan para maipakita niya na mabuti ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang ina kahit iniwan sila ng kanyang ama noong siya’y anim na taong gulang pa lamang. Isa rin sa mga motivation niya sa pagsali sa To The Top ay ang mapatunayan sa kanyang ama na sinusubukan niyang maging mahusay sa bawat aspeto ng buhay niya.

“Gusto ko lang naman na sabihin niya na ‘Uy, anak ko yan!’ Gusto ko na [maging] proud siya sa akin. Gusto kong makita niya kung ano na ang nagagawa ko ngayon. Gusto ko makita niya ‘yung talent ko. Gusto ko masabi niya sa sarili niya na ‘Ang galing ng anak ko,’” kuwento ni Adrian.

Dahil lumaki siya sa patnubay ng kanyang single mom, nais niyang mapabilang sa boy band na binubuo ng GMA Network para matulungan niya ito sa mga gastusin at sa pag-aalaga ng kanyang mga kapatid.

“Gusto kong makatulong kay Mommy, sa pamilya namin. Gusto ko pagkatapos ng show, masuklian lahat ng ibinigay niya sa ‘kin [kaya gagawin ko lahat para] alagaan ang kapatid ko, at tulungan ko [sila sa pag-aaral],” idineklara niya.

Ang bawat performance ni Adrian sa programa ay inaalay niya sa kanyang ina na walang sawang nagmamahal at sumusuporta sa kanya, pati na sa kanyang ama.

SEE ALL STORIES >