Luis Gragera, nagpaalam na sa 'To The Top'

August 18, 2015

By CHERRY SUN

 
Pagkaraan ng tatlong showdowns ay may tuluyan nang na-eliminate sa kauna-unahang multi-platform boy band competition sa bansa.
 
Sa episode noong Linggo, August 16, ay nagpaalam na ang Birit Prince ng Rizal na si Luis Gragera sa To The Top. Nai-anunsyo mang automatically nominated siya for elimination, hindi niya lubos maisip na ganito kaaga magtatapos ang kanyang paglalakbay para makamit ang kanyang pangarap.
 
Aniya, hindi niya inakalang ganun kabigat ang kanyang magiging kaparusahan dahil sa paglabag sa isang household rule sa loob ng artists’ camp.
 
 
A cappella version ng mga kantang pinasikat ng APO Hiking Society ang pinerform ng Top 18 artists para sa third showdown. Ang pag-awit ng Team A ng ‘Anna’ ang napiling pinakamahinang performance sa tatlong grupo.
 
Nominated for elimination man si Luis, sa tingin niya ay hindi siya ang nararapat na umuwi noong gabing iyon.
 
“Para sa akin po, magaling ako nung showdown 3. Naging proud siya (Coach Sweet) sa akin nung showdown 3. Hindi rin niya inexpect na matatanggal ako,” kuwento nito.
 
Hindi rin siya agad na-eliminate dahil naglaban pa sila ni AJ Ajrouche, ang napiling weakest member sa Team A, sa isang sing-off performance.
 

Hi guys! thanks for the warm support! kuya Luis, it doesn't matter if you got eliminated, you're a great singer, I'm so...

Posted by Aj Ajrouche on Sunday, 16 August 2015
 
Kuwento niya, “Sobrang kabado po kasi hindi po namin alam ni AJ kung ano kakantahin.”
 
“[Pero] nung nagpe-perform po ako, I was thinking na lumaban kasi this is my dream. Sa tingin ko naman kasi ginawa ko po ‘yung best ko. Siguro po hindi po lang nakita ng judges na [lumalaban] po ako ng sobra,” dagdag niya.
 
Ngayong natanggal na sa kumpetisyon si Luis, ipapagpatuloy pa rin daw niyang tuparin ang kanyang pangarap. Ang pagkakaroon daw ng kumpyansa sa sarili ang isa sa mga naituro ng To The Top sa kanya.
 
“Siyempre po, magta-try pa rin po ako. Ipu-pursue ko pa rin ‘yung dream ko. Ipu-push ko po muna ‘yung sarili ko [sa career na ‘to],” pagtatapos ni Luis.

SEE ALL STORIES >