Lharby Policarpio, inexpect ang elimination mula sa 'To The Top'

September 10, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS



Masaya man si Lharby Policarpio nang mapanood niya ang music video ng Team C noong Showdown 5, nagkaroon na siya ng kutob na posibleng siya ang susunod na ma-eliminate mula sa To The Top.

‘Nung pinanood namin ‘yung music video, ang na-fi-feel ko honestly [was] happiness and excitement pero alam ko nang matatanggal ako. From the recording kasi, meron kasing tinatawag na weakling ang bawat group [and I felt na ako ‘yun]… [Sinabi] ko na agad sa sarili ko na posible na ako [ang matatanggal]” kuwento niya.

WATCH: Kilalanin si Lharby Policarpio, ang Pretty Boy ng Tondo 

Mula noon ay sinubukan niyang huwag masyadong maging close sa kanyang mga kasamahan.

“Binalanse ko na ‘yung sarili ko. Naglagay na ko ng distance sa teammates ko para hindi ako masyadong ma-attach,” inamin niya.

Ngunit nang siya’y ma-eliminate, hindi niya pa rin napigilang maging emosyonal. Kinuwento niyang hindi siya nalulungkot dahil sa pagkakataong mawawala, ngunit dahil sa samahang iiwanan niya.

“Inisip ko na dahil trabaho ‘to, hindi ako masyadong nasaktan. ‘Yung lungkot na naramdaman ko, lungkot ‘yun dahil [hindi ko na makakasama mga kapatid ko]. Kasi kumbaga, malalayo ako sa mga taong naging pamilya na. Mamimiss ko ‘yung samahan, ‘yun talaga,” aniya.

Gayunpaman, confident si Lharby na magiging magkaibigan sila ng kanyang fellow To The Top trainees kahit na-eliminate na siya at hanggang matapos ang show. Positibo rin siyang marami pang pagkakataon ang darating sa kanyang career.

“Feeling ko naman magkakatrabaho ako kahit paano. No doubt na may mga plans sa akin si God. So ‘yun, iniisip ko na lang din na may [mga tao na] mas mabigat pa ang problema,” sabi ni Lharby.

Sigurado siyang hinding hindi niya makalilimutan ang kanyang naging journey sa programa.

“Ang dami kong naranasan [at] ang dami kong nakilalang iba’t-ibang ugali so naging [mas] strong [ako at nag-improve ko] kung paano ako makisama. Nag-ma-matter ‘yun dito [kasi dahil hindi niyo kasama pamilya niyo], kayo-kayo ‘yung magtutulungan. Kayo ‘yung pamilya dito,” idineklara niya.

SEE ALL STORIES >