Seph Manlapaz, thankful na naging bahagi ng 'To The Top'

September 10, 2015

By CHERRY SUN



Nanghinayang si Seph Manlapaz matapos ang kanyang elimination mula sa To The Top ngunit nagpapasalamat pa rin ang Guitar Genius para sa mga naging karanasan niya sa kauna-unahang multi-platform boyband competition ng bansa.

WATCH: Kilalanin ang Guitar Genius ng To The Top, si Seph Manlapaz ()

“[I regret] not being able to win my last showdown with my team. Sabi nga namin nung natalo kami, ‘we could've done better.’ I always think that way naman, na there's always room for improvement and that I could've done better,” wika ni Seph.

Gayunpaman, lagi raw siyang handa sa kung ano ang pwede maging resulta ng kanyang pakikipagsapalaran sa To The Top.

“Iniisip ko lagi na pwedeng ako na sunod na matanggal. Nung natanggal ako 'di na siya ganon kabigat sa akin. I am sincerely happy for my team mates and the other contestants. Sabi ko nga sa kanila it was an honor performing with them kahit saglit lang, and siyempre mamimiss ko sila,” sambit nito.

Baon-baon ni Seph sa kanyang pag-alis ang good memories at experiences nila ng kanyang fellow artists mula sa programa. Itinuturing din niyang isa sa mga pinakamagandang natutunan niya mula rito ay ang mantra ng kanyang team, ang ‘Always B Great.’”

Aniya, “Nakatulong nang malaki sa akin ‘yung trainings and most especially being with such talented individuals for many months. Marami silang naituro sa akin and sobrang thankful ako sa kanila.”

“I can say na I am one step closer to my dream. Siguro ito lang 'yung plan sa akin ni God and I am happy with it. I'll continue to do my best and apply everything I have learned sa camp. Sa mga kapatid ko sa To The Top, I will surely miss them,” pagtatapos niya.

SEE ALL STORIES >