Cholo dela Cruz, lalaban sa 'To The Top' para sa mga eliminated wild cards

September 11, 2015

By CHERRY SUN


PHOTO BY BOCHIC ESTRADA, GMANetwork.com

Matapos ang eliminations sa dalawang nakaraang showdown, si Cholo dela Cruz na lamang ang natitirang wild card sa To The Top. Aniya, ang mga susunod na laban daw niya ay dedicated kina Lharby Policarpio, Seph Manlapaz at Chris Yumang.

Ang Pretty Boy ng Tondo na si Lharby ay nagpaalam sa kumpetisyon sa unang double eliminations, habang ang Guitar Genius na si Seph at Comeback Kid na si Chris naman ay sabay na lumisan pagkatapos ng sixth showdown

Ang elimination ng tatlong wild card members ay isang malaking dagok para kay Cholo na aminadong may special bond with them.

“It’s really saddening kasi two weeks in a row ako nawalan ng mga kapatid talaga, and it’s gonna be really difficult to move on since ako na lang mag-isa,” pahayag niya.

Solid na samahan

Naiiba raw ang kuwento at pinagdaanan nina Cholo, Lharby, Seph at Chris kaya iba rin ang kanilang samahan. At ngayong mag-isa na lang si Cholo ay marami raw siyang mamimiss sa wild cards.

Aniya, mamimiss niya ang pang-aasar ni Seph sa paghawak ng kanilang tenga, ang mga personal na kuwento ni Chris at ang humor at “pagiging tatay” ni Lharby.

“Each one has a special part in the wild cards room. It’s just a room but we call it a house. A safe haven, [it's] what we call it kasi it’s where we spill our secrets,” sambit ni Cholo.

WATCH: The brotherhood of wild cards Cholo dela Cruz, Lharby Policarpio, Seph Manlapaz and Chris Yumang 

“We talk about what happened during the day, ‘yung mga gusto mo na mga things na hindi na toxic sa utak mo in the competition. When you’re there, when you talk to them, it’s a whole new world. You’re outside just talking to somebody, asking how was your day, parang ganun,” patuloy niya.

Para sa wild cards

Ramdam man ni Cholo ang pagkawala ng wild cards, ito daw ang ?magtutulak sa kanya para mas lalo pang pag-igihan sa To The Top.

“Gusto ko pagdating ng grand finals, makita nila akong tatlo na nandun sa stage, lumalaban ako. 'Di man ako manalo at least lumalaban ako. Masasabi nila na at least may isang wild card na nandoon,” patuloy nito.

Ang natitirang showdowns sa kauna-unahang multi-platform boy band competition ng bansa ay alay ni Cholo para kina Lharby, Seph at Chris.

Diin niya, “I see it more as a driving force, a reason to fight harder, kasi the battle’s not only for me, not just for my family, my supporters. Right now, it’s just to wave the flag of the wild cards.”

SEE ALL STORIES >