JP Palanca, mas may ‘puso’ na sa pag-perform dahil sa 'To The Top'

September 16, 2015

By MARY LOUISE LIGUNAS

 


Na-eliminate man si JP Palanca mula sa To The Top, ikinuwento niyang marami siyang babauning aral mula sa kanyang experience. Malaki na raw ang pinagbago niya bilang tao at performer dahil sa pagiging parte ng first multi-platform boyband competition ng bansa.

Isa sa kanyang mga achievement ay natutunan niyang magperform ng may puso.

“Yung JP ngayon, sobrang mas passionate na kumanta. Kasi dati, technical ako mag-perform. As in ang dami kong iniisip. Dito ko natutunan na mag-perform [mula] sa puso. It doesn’t matter kung magkamali ka ng note, magkamali ka ng step. Ang pinaka-importante is you sing from the heart,” sabi niya.

Proud rin siya dahil sa kapatirang namuo sa kanya at sa kanyang fellow trainees, at dahil nakatrabaho niya ang mga miyembro ng The CompanY.

“[Hindi ako naiyak dahil na-eliminate ako]. Naiyak lang ako [nung binati ako] nila Coach Moy kasi parang dati, pinapanood ko lang [ang The CompanY] tapos ngayon, parang naging close na [ko sa kanila]. Ang dami [ko] nang pinagdaanan [with them kaya] mamimiss ko sila,” dagdag niya.

Hinding hindi rin daw niya makakalimutan ang pagkapanalo ng grupo niya sa ikatlong showdown.

“Yun lang yung win ko sa buong show. Masarap [yung victory] kasi ang daming pinagdaanan ng team naming bago kami nanalo. Nagalit si Sir OJ [Mariano], nagtalo kami ni Joshua, nagkasakait si Martin tapos nanalo kami. So, ang sarap [talaga] ng feeling,” kuwento niya.

Alam niyang kapag binalikan niya ang kanyang To The Top journey, marami siyang magagandang alaala na maiisip. Nagpapasalamat siya para sa pagkakataong matuto at gagamitin niya ang kanyang mga natutunan upang pagbutihin ang kanyang sarili bilang tao at bilang performer.

“Sabi ko nung first interview ko, whether I make it or not, I’ll treat it as my stepping stone, as my foundation. Parang magiging foundation siya sa bago kong journey [dahil] gusto ko rin magpatuloy siyempre sa singing, performing [at] dancing,” aniya.

SEE ALL STORIES >