Coach Moy Ortiz at Coach Sweet Plantado, nagkomento sa bagong teams ng 'To The Top'

September 18, 2015

By CHERRY SUN


Matapos ang magkasunod na double eliminations sa To The Top ay may nabuong bagong teams, at ang naging reshuffling ay ikinagulat din ng dance at vocal coaches.

Si Coach Moy Ortiz na ang may hawak ng Team A na binubuo nina Adrian Pascual, Bryan Olano, Edric Ulang, JP Palanca, Lance Busa at Mico Cruz, samantalang si Coach Sweet Plantado ang vocal coach nina AJ Ajrouche, Cholo dela Cruz, Joshua Jacobe, Louie Pedroso, Martin de Vera at Miko Manguba sa Team B.

WATCH: Kilalanin ang bagong Team A at Team B

Ani Coach Moy, “It needed some adjustments but you roll with the punches.”

“It was hard at first. Parang hindi mo matanggap kasi kahit ano pa sabihin, hindi mo ma-separate [sarili mo] kasi na-nurture mo na sila. Kumabaga, para mo nang anak. And ang pinaka-challenge doon is how to blend them again,” dagdag naman ni Coach Sweet.

Kahit sandali pa lang hawak ng dalawang members of The CompanY ang mga bagong grupo ay napansin na nila ang natural na galing ng natitirang artists.

Para kay Coach Moy, strength ng bagong Team A ang kanilang mabuting working relationship.

Wika niya, “They help each other in the sense na if they know that one is deficient in one aspect of a performance, whether in singing or in dancing or stage presence, they have no problems coaching and helping each other.”

“It’s not like dog-eat-dog na matira matibay, and I will survive and win this show at any cost,” dugtong nito.

Aminado man na noong una ay nahirapan si Coach Sweet sa pag-adjust, excited siya sa kanyang bagong team.

Batid niya, “’Yung pagkakulit nila nagwo-work for them. ‘Yung may angas sila na nagcombine-combine, and they look good together.”

Ang Dream Boy na si JP Palanca ang unang na-eliminate matapos ang naging reshuffling. Ngayong darating na weekend ay kaabang-abang naman ang mangyayaring semi-finals ng To The Top.

WATCH: Dream Boy JP Palanca exits To The Top 

Ano ang magiging diskarte ng natitirang artists at coaches ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng first multi-platform boy band competition ng bansa? Tutok lang tuwing Sabado, 10:40 P.M. at Linggo, 9:55 P.M.

SEE ALL STORIES >