Silipin kung anu-ano ang nilalaman ng isang navy vessel at ano ang science behind the military artilleries na makikita rito. At di lang ‘yan, ipapakita rin ni Drew ang USCGC Hamilton Class Cutter, 22nd Philippine Navy Helicopter o ang PNH 422 at maging ang newly renamed presidential yacht na “Ang Pangulo”.
At heto pa! Paano nga ba nakatutulong ang military strategies at artilleries sa anumang labanan? Samahan si Survivor Betong Sumaya a.k.a. Mac Arthur sa pagbabalik-kasaysayan sa isla ng Corregidor. Ano nga ba ang istorya sa likod ng Corregidor battle? Ano ang meron sa isla na ito para piliin ng mga Amerikano para maging military base nila noon? Paano gumagana ng mga kagamitang pandigma na hanggang ngayo’y nasa islang ito?
Alamin sa AHA sa January 15 sa GMA Life TV!







