GMA Network, number one pa rin sa nationwide TV ratings ngayong Pebrero
 
Kasabay ng katatapos lamang na selebrasyon ng Kapuso Month ay muling nanguna ang GMA Network, Inc. (GMA) sa nationwide TV ratings sa buwan ng Pebrero ayon sa datos mula sa mas pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.
 
Mula February 1 to 29 (February 26 to 29 base sa overnight ratings), nakapagtala ang GMA ng 36.3 household share points, mas mataas ng 5.9 points sa 30.4 points ng ABS-CBN, at higit na mas mataas ng 21.7 points sa 14.6 points ng TV5.
 
Gamit ang average na limang tao bawat isang television household bilang batayan, kumakatawan sa humigit-kumulang 1.1 milyong viewers ang lamang ng GMA sa ABS-CBN, at 4 milyong viewers naman sa TV5 sa buong bansa.
 
Napanatili ring matatag ng GMA ang ratings performance nito sa kaniyang balwarte sa Mega Manila na kumakatawan sa mahigit 59 porsiyento ng television households sa buong bansa. Nakakuha ang GMA ng total day average na 41 share points, lamang ng 16.1 points sa 24.9 points na naitala ng ABS-CBN, at 26.3 points sa 14.7 points ng TV5.
 
Nangangahulugan ito na may halos mahigit na 1.8 milyong viewers ang nanood sa GMA kaysa sa ABS-CBN, at 3 milyong viwers kaysa TV5.
 
Pinatumba ng GMA ang iba pang istayon matapos nitong makuha ang lahat ng pwesto sa sampung top-rating programs sa Mega Manila. Nanguna sa listahan ang finale episode ng Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown matapos itong makapagtala ng 52.2 household share points. Pasok din sa listahan ang mga bagong programa ng GMA sa Telebabad na Legacy, My Beloved at Biritera.
 
Samatala, waging wagi rin ang Kapuso Station sa Urban Luzon, kung saan matatagpuan naman ang 77 posiyento ng television households sa bansa, sa nakuha nitong audience share na 39.8 points. Napagiwanan nito ang ABS-CBN na nakakuha lamang ng 26.7 points at ang TV5 na may 14.2 points.
 
Kung pagbabasihan ang dami ng manonood, may humigit-kumulang na 1.9 milyong viewers ang lamang ng GMA sa ABS; samantalang nasa 3.6 milyon naman laban sa TV5.
 
Nakamit din ng GMA ang walo sa sampung top-rating programs sa Urban Luzon, kung saan nanguna ang katatapos lamang na primetime drama na Munting Heredera.
 
Kapwa naka-subscribe sa serbisyo ng Nielsen TV Audience Measurement ang GMA at ang TV5 habang pawang ABS-CBN lamang ang lokal na major TV network ang napagalamang naka-subscribe sa Kantar na dating kilala bilang TNS.
 
Sa Mega Manila, ang Nielsen TV Audience Measurement ay may sample size na 1,190 homes kumpara sa 770 homes ng Kantar Media. Nationwide naman ay nasa 2,000 homes ang total sample size ng Nielsen kumpara sa sample size ng Kantar na nasa 1,370 homes lamang. 
 


 
Related Content
February 02, 2013
Dominates list of top-rating shows in viewer-rich Mega Manila and Urban Luzon
 
January 01, 2013
Keeps nationwide ratings advantage for the second straight year
 
Broadcast giant GMA Network, Inc. (GMA) ended 2012 on a positive note, leading other local free-to-air channels in full year nationwide TV ratings for the second consecutive year, according to data from the industry’s leading ratings service provider, Nielsen TV Audience Measurement.
 
March 03, 2012
GMA Network, number one pa rin sa nationwide TV ratings ngayong Pebrero
10 out of 10 top-rating programs sa Mega Manila, mula sa Kapuso.
 
February 02, 2012
The Philippines’ leading multimedia company GMA Network, Inc. (GMA) delivered a compelling sign-on this 2012 after winning the most number of Filipino urban television households nationwide this January, according to data of the more widely trusted ratings service provider Nielsen TV Audience Measurement.
 
Feeds
facebook
 
twitter
 
 
Events

more