Call for donations and volunteers ng Kapuso Foundation para sa Typhoon Ompong | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Bukas ang GMA Kapuso Foundation sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga kababayan nating apektado ng bagyong Ompong.

Call for donations and volunteers ng Kapuso Foundation para sa Typhoon Ompong

By MICHELLE CALIGAN

Bukas ang GMA Kapuso Foundation sa mga nais mag-abot ng tulong sa mga kababayan nating apektado ng bagyong Ompong.

Para sa mga gustong magbigay ng relief goods, tumatanggap ang GMA Kapuso Foundation ng bigas, noodles, canned goods, ready-to-eat food, bottled water, bagong tuwalya, bagong kumot, banig, toothbrush, toothpaste, sabong panligo at sabong panlaba. Maaaring tumawag sa 02-928-9351 O 02-928-4299 para sa karagdagang impormasyon.

Para sa cash donations, bisitahin ang Facebook page ng GMA Kapuso Foundation o sa www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donation.

Kung nais ninyong makibahagi bilang volunteer sa repacking ng relief goods, tumawag lamang sa 02-982-7777 local 9905 o 0908-886-9008 para magparehistro.