Pamilyang kumakain ng pagpag, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Kabilang ang ilang pamilyang napilitang kumain ng pagpag sa mga natulunang ng GMA Kapuso Foundation sa Valenzuela.  

Pamilyang kumakain ng pagpag, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Natigil sa pagtatrabaho bilang isang construction worker si Marlon Gonzales dahil sa COVID-19 pandemic.

Dahil dito, araw araw siyang nagba-bike nang isang oras para pumunta sa isang palengke sa Valenzuela kung saan kumukuha siya ng pagpag or mga tira-tirang gulay karne, buto buto o laman loob na hinihingi sa mga nagtitinda dito.

"Ngayong pandemya, mahirap na sitwayson natin lalo na wala kaming trabaho. Nandito lang kami sa bahay kaya naisip ko pumunta po roon," pahayag ni Marlon.

 

 

Marlon Gonzales


Pagkatapos humango ng pagpag, pipilian naman ito ni Marlon at huhugasan. Magbibigay pa siya sa ilang kapitbahay bilang tulong.

May paalala naman ang Valenzuela City Health Department tungkol sa pagkain ng pagpag.

"Hindi po namin ina-advise ito. Kaya lang wala po tayong magagawa dahil nga sa kakulangan ng pera or ng pagkain nagagawa po nila ito. Pwede naming i-advise na kanila is to sort out, huhugasan mo lang mabuti. Make sure na talagang ang kinuha nila na source of water ay hindi contaminated. Kailangan lutuin mabuti para po malaman natin na hindi po ito magko-cause ng bacteria na pwedeng maging cause ng diarrhea," pahayag ni Dr. Marilyn Cleofe-Liwanag.

Para matulungan ang si Marlon at kanyang pamilya, kabilang sila sa mga hinadugan ng GMA Kapuso Foundation ng Kapuso family packs.

Sa mga nais pang mag-abot ng tulong, bumisita lang sa official website ng GMA Kapuso Foundation.