52 pampublikong paaralan sa Laguna, nahandugan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Nakapaghatid ng school supplies at anti-COVID kits ang GMA Kapuso Foundation sa 52 public schools sa Laguna.

52 pampublikong paaralan sa Laguna, nahandugan ng school supplies ng GMA Kapuso Foundation

By MARAH RUIZ

Bilang bahagi ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project, nakapaghandog ng school bag, kumpletong school supplies at anti-COVID kits ang GMA Kapuso Foundation sa 52 pampublikong paaralang sa Laguna.

Kabilang dito ang mga public schools sa bayan ng Cavinti, Luisiana, Nagcarlan, Paete, Pangil, Pakil, Sta. Maria, Siniloan, Famy, Kalayaan, Lumban, at Mabitac.

 

 

kid wearing mask

Layunin ng Unang Hakbang sa Kinabukasan project na makapag abot ng school supplies sa 80,000 estudyante sa parating na pasukan.

Sa Laguna, 4,200 mag-aaral na ang natulungan.

Katuwang ng GMA Kapuso Foundation ang Department of Education - Division of Laguna at Philippine Army 2ID (202nd BDE, 1st BN, 22nd Reconnaissance Company) sa proyekto.

Sa mga nais pang makiisa sa mga programa ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.