GMA Kapuso Foundation, nagpatayo ng karagdagang classrooms para sa isang paaralan sa Lanao del Norte | GMANetwork.com - Foundation - Articles

Sa tulong ng mga donors, sponsors, partner at mga sundalo, nakapagpapatayo ng karagdagang classrooms ang GMA Kapuso Foundation para sa Pansur Primary School sa Lanao del Norte.

GMA Kapuso Foundation, nagpatayo ng karagdagang classrooms para sa isang paaralan sa Lanao del Norte

By MARAH RUIZ

Matapos makapagpatayo ng tulay para sa tatlong barangay sa Salvador, Lanao del Norte, tinupad ng GMA Kapuso Foundation ang karagdagang hiling ng isa sa mga paaaralan dito.

Hanggang grade 2 lang ang kayang i-accomodate ng Pansur Primary School kaya humiling sila ng karagdagang classrooms.

Isang oras kasi ang nilalakad ng ilang mag-aaral para dumayo sa Madaya Elementary School para makapagpatuloy ng pag-aaral.

 

 




Sa tulong ng mga donors, sponsors, partner at mga sundalo, nakapagpapatayo ng dalawang karagdagang classrooms na may mga comfort rooms at electric fans ang GMA Kapuso Foundation para sa Pansur Primary School.

Sa kabila ng pandemya, tuloy tuloy ang pagkakapatayo ng mga ito sa tulong ng AFP Western Mindanao Command, Philippine Army 1st Infantry divison (54th Engr. Bde, 547th Engr. Bn, 2MechBde, at 5MechBn) mula June hanggang September.

 

Kapuso Foundation

 


Nai-turn over naman ang mga ito sa paaralan bago magsimula ang pasukan ngayong October.

Bukod dito, nagbigay din ang GMA Kapuso Foundation ng school bags na may kumpletong school supplies at anti-COVID kits para sa mga estudyante ng paaralan.

Naging katuwang din ng GMA Kapuso Foundation sa lokal na pamahalaan ng Salvador, Lanao del Norte at sa Department of Education-Divison of Lanao del Norte.

Lubos din nagpapasalamat ang GMA Kapuso Foundation sa pakiiisa ng DN Steel at Lola Remedios All-Natural Supplement Syrup sa proyekto.

Samantala, sa mga nais pang makiisa sa iba't ibang proyekto ng GMA Kapuso Foundation, bumisita lang sa official website nito.