Press Releases
GMA Kapuso Foundation, magpapagawa ng 200 bahay para sa mga nasalanta ng Sendong
GMA Kapuso Foundation, magpapagawa ng 200 bahay para sa mga nasalanta ng Sendong. Hindi pa rin tumitigil ang GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa pag-abot ng tulong sa libu-libong nasalanta ng bagyong Sendong. Sa halip ay magsasagawa pa ito ng mga pang-matagalang proyekto sa mga napiling lugar sa Iligan City.
Sa pakikipagtulungan ng Local Government Unit (LGU) ng Iligan, pinangunahan ng GMAKF ang groundbreaking ceremony para sa pagpapagawa ng Kapuso Village sa Mandulog, Iligan City. Ang proyektong ito ay layong magpagawa ng 200 kabahayan para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan nang dahil sa Sendong na itatayo Sa 3-hectare lot n a donasyon ng lokal na pamahalaan ng Iligan.
Ang lokasyon ng pabahay na ito ay malapit sa dating tirahan ng mga napiling beneficiaries at siniguradong ligtas ng Mines and Geosci
ences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Ayon sa LGU, mahalaga na hindi kalauyan ang lugar na paglilipatan ng mga biktima ng bagyo upang masiguro ang kanilang pag-angkop sa bago nilang tirahan. Dumalo sa nasabing seremonya sina GMAKF Executive Vice President Mel C. Tiangco, Iligan City Mayor Lawrence LL. Cruz, Regional Director ng Department of Public Works and Highways Region XI Engr. Norma U. Gironella, Asst. General Manager ng National Housing Authority Region X Froilan M. Kampitan, at Head of Task Force on Housing and Resettlement , Reynaldo Roque. Nagkaisa ang GMAKF at mga opisyal ng Iligan sa paglikom ng tulong mula sa kani-kanilang mga volunteers at benefactors upang siguruhin ang tagumpay ng proyektong ito.
Bukod pa dito, nakatakda ring magpatayo ng bagong water facility ang GMAKF sa Sitio Cabaro na ikalawa sa pinaka-nasalanta ng bagyong Sendong. Sa pagsasagawa ng relief operations ng GMAKF sa Sitio Cabaro, napagalaman nilang karamihan sa mga nakatira dito ay Muslim na gumagamit ng tubig sa kanilang pagdadasal at iba-pang practices ng kanilang relihiyon.
Kaya naman, kasama sa mga isasakatuparang plano ng GMAKF ang isang bagong deep-well electric water pump para sa Sitio Cabaro gayon din ang pagpapa-repair ng mga nasirang water pump sa lugar.
Patuloy ang GMA Kapuso Foundation sa pagtupad ng kanilang pangako na tumulong sa mga nangangailan. Ang lahat ng ito ay patunay na ang GMAKF ay Kapusong Totoo ng bawat Pilipino.

Reactions
Related Content
Feeds

Events