login rss Edit Account Link Account

Press Releases

GMA Kapuso Foundation, naghatid ng libreng medical at relief assistance sa mga probinsya
Dinala ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) ang roaming medical mission nito na Kalusugan Karavan sa Barlig, Mt. Province upang maghatid ng libreng medical assistance sa mga naririnahan doon.
 
Nagsagawa ng malawakang konsultasyon at namahagi din ng libreng gamot ang Foundation sa bayan ng Barlig na kadalasan ay hindi nakakatanggap ng ganitong klaseng serbisyo dahil sa layo ng kanilang lugar.
 
May 230 pasyente ang nakapag-konsulta sa mga volunteer doctors habang 133 naman ang nabigyan ng libreng tooth extraction.
 
Ang proyektong ito ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng Transmissions and Regional Engineering Dept. ng GMA Network , local government unit ng Barlig, Mt. Province, District Hospital ng Barlig, Rural Health Unit Barlig, Bontoc General Hospital, PNP PHS MTPPO, at CMO 54IB 51D.
 
Samantala, nagbigay din ng suporta ang Foundation sa mga naging biktima ng cholera outbreak sa Catanduanes sa pamamagitan ng proyektong Operation Bayanihan.
 

Mga libreng gamot, purified water, at iba pang supplies ang ipinamigay ng GMAKF sa iba’t ibang ospital sa tulong ng Agua Vida Systems, RSL Bus Lines, at Regina Shipping Lines.
 
Ang Operation Bayanihan Project ay isang proyekto ng GMAKF na nais magbigay ng paunang lunas sa mga biktima ng natural at man-made na kalamidad sa bansa.
 
“Patuloy kami sa pagiging kaakibat ng mga nangangailangan ng relief assistance lalong lalo na iyong mga nagmumula sa marginalized sector,” pahayag ni GMA Kapuso Foundation Executive Vice President and Chief Operating Officer Mel C. Tiangco. “Bahagi ito ng aming misyon na maghatid ng tulong pang-kalusugan, mga gamot, at emergency relief tuwing may kalamidad sa ating mga kababayan,”
Reactions
 

Related Content

Feeds
facebook
 
facebook
 
 
Events