GMANetwork.com - Foundation - Videos

This is the official website of the Kapuso Foundation, the most accomplished, most trusted, and most credible non-government organization in the Philippines.


Mga katutubong Hanunuo-Mangyan na apektado ng tagtuyot, hinatiran ng tulong | 24 Oras

Mar 28, 2024
Kapusong Totoo

Isa sa pinaka-apektado ng tag-init ang mga katutubo sa Bulalacao, Oriental Mindoro na pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay. Tinulungan sila ng GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Operation Bayanihan.   Read more


Mga magsasakang naapektuhan ng tagtuyot sa Or. Mindoro, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 26, 2024
Kapusong Totoo

Matinding epekto ng el niño na sinabayan pa ng pamemeste ang kalbaryong sinusuong ngayon ng mga magsasaka sa Bulalacao, Oriental Mindoro. Kaya naman agad na dinayo ng GMA Kapuso Foundation ang kanilang lugar para maghatid ng tulong. Read more


Libreng HPV DNA testing at breast exam, handog ng GMA Kapuso Foundation sa 100 kababaihan sa Gainza, Camarines Sur | 24 Oras

Mar 23, 2024
Kapusong Totoo

Kabilang ang pawid o bubong sa mga produktong puwedeng malikha mula sa dahon ng sasa o nipa na siya namang kabuhayan ng mga kababaihan sa Gainza, Camarines Sur. Sa pagpapatuloy ng ating Women's Month celebration, sila naman ang hinandugan ng libreng serbisyong medikal ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Mga magsasakang apektado ng tagtuyot, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 21, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa tagtuyot sa Cagayan at Isabela, nangangamba ang mga magsasaka na baka wala na silang maaning pananim. Kaya naman nagtungo roon ang GMA Kapuso Foundation para magbigay ng tulong. Read more


300 blood bags, nalikom sa LTFRB at TRADOC ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 19, 2024
Kapusong Totoo

Sa paparating na Semana Santa, inaasahan na bababa ang bilang ng blood donors dahil sa kabi-kabilang bakasyon o pag-uwi sa probinsya ng ating mga kababayan. Para tugunan 'yan, nagsagawa ang GMA Kapuso Foundation ng Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project katuwang ang ating partner organizations. Read more


Mahigit 1,000 indibidwal sa Davao Oriental, hinatiran ng tulong ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 16, 2024
Kapusong Totoo

Dahil sa nasirang tulay dulot ng masamang panahon, apektado hindi lang kabuhayan ng ilang taga-CARAGA, Davao Oriental... pati ang pagbili nila ng mga pangunahing mga pangangailangan. Sila naman ang ating hinatiran ng tulong... sa ilalim ng Operation Bayanihan ng GMA Kapuso Foundation. Read more


100 kababaihan, hinandugan ng libreng papsmear at breast exam ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 12, 2024
Kapusong Totoo

'Di lang maganda at mahalimuyak, nagbibigay rin ng kabuhayan para sa ilang kababaihan sa Santa cruz, Laguna -- ang sampaguita. Ngayong "National Women's Month," may regalong serbisyong medikal ang GMA Kapuso Foundation para sa kanilang kasipagan. Read more


Libreng medical services handog ng GMA Kapuso Foundation sa ilang kababaihan sa Morong, Rizal ngayong Women's Month | 24 Oras

Mar 9, 2024
Kapusong Totoo

Ngayong araw ipinagdiriwang natin ang International Women’s Day, Isang pagbati po sa lahat ng kababaihan na hindi matutumbasan ang dedikasyon at sakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ilang kababaihan sa Morong, Rizal ang hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng serbisyong medikal at iba pang regalo kabilang ang isang inang doble kayod para mapagtapos ang mga anak. Read more


GMA Kapuso Foundation kaisa ng BFP sa kampanya nito ngayong "Fire Prevention Month" | 24 Oras

Mar 7, 2024
Kapusong Totoo

Ngayong "Fire Prevention Month," kaisa ng Bureau of Fire Protection ang GMA Kapuso Foundation sa kanilang kampanya kontra sunog. May handog pang first aid tips ang ating partner doctor sakaling maging biktima ng sunog. Read more


GMA Kapuso Foundation, magpapatayo ng 3 Kapuso classroom sa Mankayan, Benguet | 24 Oras

Mar 5, 2024
Kapusong Totoo

Lubos mang naapektuhan ng nagdaang Bagyong Egay noong nakaraang taon, tuloy sa pagkayod ang mga magsasaka sa Benguet para may pantustos sa pag-aaral ng kanilang mga anak. Bilang tulong, magpapagawa ng mas pinatibay na Kapuso classrooms sa kanilang lugar ang GMA Kapuso Foundation sa ilalim ng Kapuso School Development Project. Read more


Batang may malaking bukol sa likod ng ulo, idinulog sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Mar 2, 2024
Kapusong Totoo

Wala nang mas sasakit pa para sa isang ina na makitang may iniindang kundisyon ang anak. Kaya naman ang isang batang pinahihirapan ng malaking bukol sa ulo, idinulog na ng kanyang ina sa GMA Kapuso Foundation. Read more


GMA Kapuso Foundation, isinakatuparan ang pangarap na magandang ngiti ng mga benepisyaryo ng "Ngiting Kapuso Project" | 24 Oras

Feb 28, 2024
Kapusong Totoo

72% ng mga Pilipino ang nakararanas ng tooth decay na nagreresulta sa pagkabungi, ayon sa pag-aaral ng National Survey on Oral Health noong 2018. Pero dahil sa kahirapan, hindi magawang makapag-pakonsulta sa dentista o 'di kaya ay makapagpa-pustiso ng ilan. Sa ilalim ng Ngiting Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation, tinulungan natin silang maibalik ang kumpiyansa sa sarili. Read more


113 katao, nakatanggap ng libreng pustiso sa Ngiting Kapuso Project ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 27, 2024
Kapusong Totoo

Ika nga nila, nakakahawa ang pag-ngiti! Kaya ngayong oral health month, mahigit 100 katao ang binigyan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng pustiso sa ilalim ng Ngiting Kapuso Project. Kabilang na riyan ang dalawang beautician na aming nakilala sa Marikina City. Tunghayan po natin ang panunumbalik ng kanilang mga ngiti na puno ng bagong pag-asa. Read more


GMA Kapuso Foundation at LN-4 Foundation, namahagi ng libreng arm and hand prosthesis | 24 Oras

Feb 24, 2024
Kapusong Totoo

Naputulan man ng braso, hindi tumigil sa pagbabanat ng buto ang magsasakang nakilala namin sa Negros Oriental. Kabilang siya sa hinandugan ng GMA Kapuso Foundation ng libreng arm and hand prosthesis. Read more


Blood donors na nakapag donate na ng higit sampung beses, kinilala ng GMA Kapuso Foundation at PRC | 24 Oras

Feb 22, 2024
Kapusong Totoo

Mga Kapuso, walang maliit o malaking halaga pagdating sa pagtulong lalo na kung ito'y mula sa puso.  Gaya ng dalawang bayaning Kapuso na aming nakilala na laging handang i-alay ang sariling dugo para sa nangangailangan. Kabilang sila sa mga "Blood Galloner Awardee" ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross. Read more

advertisement


1,674 blood bags, nalikom sa bloodletting project ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 20, 2024
Kapusong Totoo

Mga kapuso, halos tatlong dekada na po tayong katuwang sa pangangalap ng dugo para dugtungan ang buhay ng iba. At sa ika-28 taon ng "Sagip Dugtong Buhay Bloodletting Project" ng GMA Kapuso Foundation at Philippine Red Cross... mahigit 1,600 blood bags ang ating nalikom. Kaya buong puso ang aming pasasalamat sa lahat ng sponsors, partners, volunteers, performers, hosts at blood donors. Tunay po kayo ay bayaning Kapuso! Read more


Nagpaturok ng petroleum jelly sa maselang bahagi ng katawan, ipinasuri ng Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 17, 2024
Kapusong Totoo

Babala dahil sensitibo po ang susunod nating kwento, tungkol sa lalaking itinampok natin nitong Miyerkules dahil sa epekto raw ng pagturok ng petroleum jelly sa maselang bahagi ng katawan. Ano kaya ang kanyang kondisyon at may pag-asa pa kaya siyang gumaling? Read more


Nagpaturok ng petroleum jelly sa ari, nagpatulong sa GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 15, 2024
Kapusong Totoo

Babala po mga Kapuso, sensitibo ang paksa na aming itatampok. Mula Cagayan -- lumuwas pa-Maynila ang isang lalaki para umapela ng tulong sa GMA Kapuso Foundation. Delikado kasi ang itinurok niya sa kanyang pagkalalaki para sana palakihin bagay na kanya ngayong pinagsisihan. Read more


Batang may cancer, tinulungan sa ilalim ng Kapuso Cancer Champions ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 12, 2024
Kapusong Totoo

Kahit may leukemia sa edad na tatlo, tuloy ang pangarap ng isang batang nakilala natin sa Macalelon, Quezon. Diyan humuhugot ng lakas ang kanyang mga magulang. Read more


Amang nangangalakal, binigyan ng groceries, bigas, at vitamins ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 9, 2024
Kapusong Totoo

Hirap man at may edad na, dugo't pawis pa rin ang inaalay ng isang ama para maitaguyod ang kaniyang anak. Itinampok natin kamakailan ang kwento ng kaniyang kasipagan, kaya bilang regalo -- sinurpresa siya ng GMA Kapuso Foundation. Read more


Mag-amang nakatira sa barong-barong, inilapit ng concerned citizen sa Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 7, 2024
Kapusong Totoo

Ang itinatapon ng iba, kabuhayan para kay Mang Romy na sa edad na 58 ay doble-kayod pa rin para sa kanyang anak. Inilapit siya ng isang concerned citizen sa GMA Kapuso Foundation para matulungan. Read more


2 pamilyang nag-uulam ng toyo at mantika, tinulungan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Feb 6, 2024
OTPOAFX8z78

Sa tahanan nagsisimula ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon ng isang bata. Pero para sa dalawang pamilyang nakilala namin sa Gainza, Camarines Sur, sapat na ang toyo at mantika sa hapag para maibsan ang kumakalam na tiyan. Read more


GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng baha sa Nabunturan, Monkayo, at Pantukan, Davao de Oro | 24 Oras

Jan 27, 2024
GMA Kapuso Foundation

Tuloy tuloy ang pagtulong ng GMA Kapuso Foundation sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Davao de Oro. Sa ngayon, umabot na sa 6,000 indibidwal ang ating natulungan sa tatlong bayan sa probinsya. Read more


60,000 bata, niregaluhan sa Christmas "Give-A-Gift" Project ng GMA Kapuso Foundation noong 2023 | 24 Oras

Jan 15, 2024
GMA Kapuso Foundation

Iba't ibang kwento ng inspirasyon at dedikasyon ang nasaksihan natin sa "Give-A-Gift Alay sa Batang Pinoy" Christmas Project ng GMA Kapuso Foundation. At dahil sa ating pagtutulungan, 60,000 mag-aaral sa 15 probinsya ang ating naregaluhan. Read more


20,450 na mag-aaral sa Mindanao, niregaluhan ng GMA Kapuso Foundation | 24 Oras

Jan 5, 2024
GMA Kapuso Foundation

Nasubok ang katatagan ng ating mga kababayan sa Mindanao matapos ang malawakang lindol nito lang 2023. Para maibsan ang kanilang kalbaryo, bukod sa mga food packs, handog din ng GMA Kapuso Foundation ang mga regalo. Read more