Arestado ang isang lalaki matapos undayan ng saksak ang kanyang madrasta sa bayan ng Manaoag sa Pangasinan.

Sa ulat "Unang Balita" nitong Miyerkules, sinabing magkasamang natutulog noon ang 30-anyos na lalaki at kanyang madrasta.

Nang maalimpungatan, kinuha ng lalaki ang kutsilyo sa ilalim ng kanyang unan at pinagsasaksak ang kanyang stepmother.

Ayon sa ulat, dati na umanong nadala sa isang mental hospital ang suspek.

Inaalam pa ang kalagayan ng biktima. —Jamil Joseph Santos/LBG, GMA News