Isang pampasaherong bangka na patungo sa isla ng Boracay ang lumubog matapos itong mabutas nang hampasin ng malalaking alon pasado alas otso ng gabi nitong Sabado.

Nangyari ito sa pagitan ng Caticlan at isla ng Boracay.

Karamihan sa mga sakay ng pampasaherong bangka ay mga bata at sanggol.

 

Ang mga sakay ng lumubog na bangka patungong Boracay ay naidala lahat sa Ciriaco Tirol Emergency Hospital sa isla ng Boracay. RB Bachiller

 

Mabilis naman na nakaresponde ang Philippine Coast Guard, Boracay Fire Rescue and Ambulance Volunteers at Philippine National Police upang sagipin ang mga pasahero ng bangka.

Naging pahirapan ang pag-rescue dahil sa masamang panahon at madilim na karagatan.

Ligtas ang lahat ng sakay ng bangka subalit nagtamo ng minor injuries ang ilan sa mga ito.

Lahat sila ay dinala sa Ciriaco Tirol Emergency Hospital sa isla ng Boracay. —KG, GMA News