Iginiit ng Pinay na walang malisya ang paghalik sa kaniya sa labi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng iba pang Filipino na dumalo sa isang pagtitipon sa South Korea nitong Linggo.

Sa video na mapapanood sa Facebook ng Philippine News Agency, sinabi ng Pinay na nagpakilalang si Bea Kim, na pitong taon na siyang naninirahan sa South Korea at mayroon siyang asawang Korean at mayroon silang dalawang anak.

WATCH: Duterte kisses a Filipina in SoKor

“Yung kiss, twist lang yun. Pampakilig sa mga audience. Walang ibig sabihin yun, promise. Walang ibig sabihin – sa akin, sa kanya, walang ibig sabihin,” ayon kay Kim, na ikinuwento rin kung paano siya napili na umakyat sa stage at makaharap ang pangulo.


Matapos ang naturang paghalik, sinabi ni Duterte na hindi dapat dibdibin ang kaniyang ginawa dahil nais lang niyang aliwin ang mga tao na dumalo sa pagtitipon.

Gayunman, nagkaroon pa rin ng iba't ibang pananaw ang netizen sa naturang tagpo. READ: Netizens react to: The Duterte kiss in South Korea

FRJ, GMA News