Photo courtesy of MDRRMO Tiaong
Photo courtesy of MDRRMO Tiaong

Dead on the spot ang isang pasahero ng isang pribadong van habang apat iba pa ang sugatan matapos nitong makasalpukan ang isang pampasaherong bus sa Diversion Road sa Barangay Lusacan, Tiaong, Quezon, Lunes nang umaga.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tiaong, nangyari ang aksidente bandang 3 a.m. kanina.

Galing umanong Bicol at patungo sana sa Maynila ang DLTB Bus habang galing Maynila at patungo naman sa Lucena City ang van.

Sa tindi ng salpukan ay wasak na wasak ang unahan ng van.

Agad namang na-rescue ng MDRRMO Tiaong ang mga biktima. Ang mga sugatan ay isinugod sa pagamutan sa San Pablo City, Laguna.

Wala namang nasugatan sa mga sakay ng DLTB Bus.

Ayon sa PNP Tiaong, patuloy ang kanilang isinasagawang imbestigasyon upang malaman ang sanhi ng aksidente.

Accident prone area raw ang pinangyarihan ng aksidente.

Hawak na ngayon ng Tiaong Pulis ang driver ng DLTB Bus. —Peewee Bacuño/KBK, GMA News