Inanunsyo ni Environment Secretary Roy Cimatu nitong Miyerkoles na bubuksan na muli sa publiko ang Boracay Island sa Oktubre 26.

"I would like to say categorically that we will be opening Boracay on October 26," deklara ni Cimatu sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Natural Resources.

"When we started the counting, it was from April 26. But [the rehabilitation] should be made within six months, [or until] October 26 or October 27. But nevertheless, we will open it on October 26," dagdag ng kalihim.

Isinara ang Boracay noong Abril matapos tawagin ito ni Pangulong Rodrigo Duterte na tambakan ng dumi.

Nagsagawa ng pagdinig ang Kamara de Representantes kaugnay sa mga ulat na may mga establisimyento na nakatayo sa mga forest areas at maging sa baybayin ng Boracay.

Mula nang isagawa ang rehabilitasyon, sinabi ni Cimatu na malaki na ang ipinagbago ng Boracay.

"Categorically, I am telling you that Boracay is no longer a cesspool," pahayag niya.

Bukod sa ginagawang paglilinis, nilawakan din ang mga daanan at inalis ang mga iligal na estruktura. --FRJ, GMA News