Suspek sa pagnanakaw, umakyat sa puno para magtago sa mga awtoridad sa US
ABRIL 18, 2024, 3:09 PM GMT+0800
SINULAT NI JAMIL SANTOS,GMA INTEGRATED NEWS
May kakaibang gimmick ang isa sa mga suspek sa pagnanakaw ng isang kotse, na umakyat sa puno para magtago sa mga awtoridad sa Washington, US. Ngunit ang kaniyang estilo, nabulilyaso pa rin.