May bahagyang ginhawa na mararamdaman ang mga motorista sa presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes dahil sa ipatutupad ng kaltas sa presyo nito ng mga kompanya ng langis.

Sa magkakahiwalay na anunsyo ng mga kompanya ng langis nitong Lunes, inihayag ng SEAOIL Philippines Inc., Chevron Philippines Inc. (Caltex), at Pilipinas Shell Petroleum Corp., na P0.70 per liter ang rollback sa presyo ng gasolina, P1,00 sa diesel, at P1.25 naman sa kerosene.

Maliban sa kerosene, katulad na presyo rin ang ibabawas ng Petro Gazz, PTT Philippines Corp., Unioil Petroleum Philippines Inc., at Phoenix Petroleum Philippines Inc.

Ipatutupad ng SEAOIL ang kanilang price adjustments sa 12:01 a.m. ng Martes, July 24. Samantalang 6:00 am naman sa Martes mararamdaman ang roolback sa iba pang kompanya ng langis.

Mas maaga naman na magpapatupad ng rollback ang Unioil sa ganap na 2:00 p.m. ngayong Lunes, July 23. — FRJ, GMA News