Patay sa pamamaril ang isang babae sa may Bureau of Customs building sa Manila Port Area Huwebes ng hapon.

Sa ulat ni Carlo Mateo sa Super Radyo dzBB, sinabing nangyari ang pamalaril pasado ala-una ng hapon.

Kinilala ang biktima ng mga kaanak nito na si Faura Ramos, na binaril ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakaupo sa kaniyang maliit na mesa sa may tabing-kalsada .

Ayon sa mga kamag-anak, pagnonotaryo ang negosyo ni Ramos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga tauhan ng Manila Police District Station 5, malapitan na binaril si Ramos.

Tuloy pa ang imbestigasyon ng pamamaril.

Iniimbestigahan pa ang insidente. —LBG, GMA News