Aabot sa 14,000 tableta ng Ecstasy na nagkakahalaga ng P25 million ang nasabat ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City.

 

Halos P25 million ang nasabat ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City. PHOTO BY LUISITO SANTOS
Halos P25 million ang nasabat ng Bureau of Customs sa Central Mail Exchange Center sa Pasay City. PHOTO BY LUISITO SANTOS

Ayon kay Ninoy Aquino International Airport (NAIA) District Collector Mimel Talusan, nadiskubre ang mga tabletang Ecstasy sa loob ng mga plastic na isiniksik sa CPU ng desktop computer.

Ang naturang package ay dumating mula sa France noong Agosto 4 at dalawang linggo ang lumipas bago ito kinuha ng isang Joan Reynoso ng Cavite City.

Ito na ang ikatatlong pagkakataon na naharang ng Bureau of Customs ang pagpuslit ng mga party drugs.

Noong Abril, 962 piraso na Ecstasy ang galing sa Netherlands ang nakumpiska at noon lang nakaraang buwan higit sa 1,000 piraso ng party drug mula sa Germany naman ang naharang.

Ang mga droga ay inilipat sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at ito na rin ang magsasampa ng kaso laban kay Reynoso. — BAP, GMA News