Arestado ang isang airport screener sa Ninoy Aquino International Airport matapos masapul sa CCTV na nangdukot ang $100 sa bagahe ng isang pasahero na kaniyang ini-screen.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes, makikita sa kuha ng CCTV sa NAIA Terminal 3 ang airport screeners na nag-iinspeksiyon ng gamit ng mga pasahero.

Pero napansin sa central monitor na isa sa kanila, pasimpleng may dinukot sa loob ng chine-check na bag,

At agad na ibinulsa ng screener, na kinilalang si Nievel Gorpe, ang dinukot na bagay na $100 bill pala at may katumbas sa na mahigit P5,000.

Agad na inaresto ng airport police ang suspek. Wala pa siyang pahayag kaugnay ng insidente. —LBG, GMA News