Sa tulong ng saklay, naisayaw ng isang amang disabled ang kaniyang anak na nagdiwang ng ika-18 taong kaarawan, na isa sa mga mahalagang bahagi ng buhay ng mga nagdadalaga.

READ: Amang OFW, sa airport naisayaw ang anak na nag-debut dahil naantala kaniyang flight

Sa video ni YouScooper Daisy Laurente Carso, makikita ang paglapit ni Mang Odet Belas bilang ka-last dance ng debutante niyang anak na si Rosalinda noong Agosto 31 sa Quezon City.

Makikita naman ang kasiyahan ni Rosalinda at napaiyak pa habang isinasayaw siya ng kaniyang ama.


 

Ayon kay Carso, pati siya ay napaiyak dahil sa paghanga kay Mang Odet, na isang mangangalakal, dahil ginawa nito ang lahat para mapasaya ang anak sa kaarawan. -- FRJ, GMA News