Dahil may pagkanegatibo ang dating, nais ni Senate President Vicente Sotto III na palitan ang huling linya sa pambansang awit na "Lupang Hinirang."

Sa deliberasyon ng Senado kaugnay sa panukalang gawing siyam ang sinag ng araw sa watawat ng bansa, nais ni Sotto na palitan ang linya sa pambansang awit na, "ang mamatay ng dahil sa 'yo" at gawing "ang ipaglaban kalayaan mo."

“A number of years already, some people and mostly composers and writers I have been rubbing elbows with have told me that the last two lines of the Philippine national anthem sounds like a defeatist attitude,” sabi ni Sotto.

Patuloy niya, “Patay na agad e. I have thought of a line that could replace this: ‘Aming ligaya na pag may nang-aapi, ang ipaglaban kalayaan mo.’”

Umaasa si Sotto na makakasama na pag-aaralan ang kaniyang mungkahi.

“Is there a possibility of taking a second look at the national anthem. It’s in the same law. I’m not suggesting it right now, I’m just saying that you might as well look into the entire law and that includes the Philippine national anthem,” saad niya.

Wala naman tutol sa mungkahi ni Sotto si Sen. Richard Gordon, may-akda ng panukalang dagdagan ang sinag ng araw sa watawat.

Ayon kay Gordon, maghahain siya ng hiwalay na panukalang batas para sa mungkahi ni Sotto. — FRJ, GMA News