Na-hulicam ang suntukan ng dalawang motorcycle rider sa gitna ng isang kalsada sa Pasay City.

Ayon na ulat ng "24 Oras" nitong Miyerkules, kinuwento ng YouScooper na si Mark Uy na nagkagitgitan ang dalawang lalaki.

Sa video, makikitang hindi nagpaawat ng nagsusuntukang motorista kahit pa binubusinahan sila ng mga nakapaligid na sasakyan.

Kalauna'y sumakay na lang ulit ang isa sa kanyang motorsiklo at humarurot palayo. —Margaret Claire Layug/NB, GMA News