Patay sa pamamaril ang isang hindi pa nakikilalang lalaki sa Maynila, maaga nitong Biyernes.

Sa ulat ng "Unang Balita," sinabing nangyari ang pamamaril sa port area nitong madaling-araw at wala pang pagkakilanlan ang biktima na tinatayang nasa 22 hanggang 25 anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nakarinig umano ng mga putok ang mga residente ng Barangay 650, at maya-maya pa'y nakita na lamang nila ang nakahandusay na katawan ng biktima na may tama ng bala sa noo.

Iniimbestigahan na ng mga pulis kung sino at kung ano ang motibo ng salarin. —LBG, GMA News