Tatlong mga kadete ng Philippine National Police Academy ang nahaharap sa kasong hazing matapos umanong magpagawa ng kahalayan sa dalawang plebo.

Ayon sa ulat ni Mariz Umali sa "24 Oras",  dinala sa likurang bahagi ng isang bakanteng barracks ang dalawang biktima kung saan pinagawa sa kanila ang kahalayan.

"They were ordered by the upper class to do the oral sex to each other," sabi ni PNPA director Chief Superintendent Joseph Adnol.

Sa takot na balikan sila, hindi agad nakapagsumbong ang mga biktima. Nitong Martes lang sila dumulog sa mga pulis upang maghain ng reklamo.

Nanood lang daw ang mga upperclassmen sa kahalayang ginawa ng dalawang plebo sa isa't-isa. —NB, GMA News