Isang mall sa Quezon City ang nasita ng Philippine National Police-Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) dahil sa pagsusuot ng costume ng mga guwardiya nito.

Ayon sa ulat ni Jonathan Andal sa Dobol B sa News TV, pinagmumulta ng P400,000 ang security agency ng naturang mga guwardiya dahil sa mga paglabag.

Ayon kay Superintendent Jaime Santos ng PNP SOSIA, dapat prescribed uniform ang suot ng mga guwardiya para madali silang makilala ng mga tao sakaling may emergency.

Dagdag pa ni Santos, trabaho ng mga guwardiya na magbigay seguridad at hindi mang-aliw.

Ayon kay Andal, unprescribed uniform, expired duty detail order, at no license to exercise security profession ang iba pang violation ng security agency, dahilan upang umabot sa P400.000 ang multang ipinataw dito. —KBK, GMA News