Kumpirmado na muling sasabak sa UFC si Conor McGregor sa June 29 laban kay Michael Chandler na gagawin sa Las Vegas.

Ang naturang sagupaang McGregor-Chandler ay kinumpirma mismo ni Dana White pagkatapos ng maaksiyong UFC 300 nitong Linggo [oras sa Pilipinas].

Ang McGregor-Chandler fight ang magiging main event ng UFC 303, para sa 170 pounds.

July 2021 nang huling lumaban si McGregor (22-6), matapos mabali ang kaniyang left tibia at fibula sa laban nila ni Dustin Poirier sa UFC 264 sa Las Vegas.

January 2020 nang huli naman siyang manalo kontra kay Donald Cerrone.

Samantala, huling nakalaban naman ni Chandler (23-8) si Poirier, at natalo via submission noong November 2022.

Bago bumalik sa tunay na bakbakan sa UFC, napanood muna si McGregor sa cinematic na basagan ng ng mukha kay Jake Gyllenhaal sa pelikulang "Road House."— Field Level Media/Reuters/FRJ,GMA Integrated News