Patay ang isang barangay captain sa General Santos City matapos pagbabarilin habang nasa loob ng kaniyang sasakyan.

Kinilala ang biktima na si Jonalyn Castillo Sumagka, na pinagbabaril ng mga nakamotorsiklong salarin, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes.

Nasa loob umano ng kaniyang sasakyan ng biglang dumating ang salarin sabay ang pamamaril.

Nadala pa si Sumagka sa ospital ngunit namatay din kalaunan.

Ayon sa mga kamaganak ng biktima, may ka-text daw si Sumagka na kikitain niya kaugnay ng transaksiyon sa lupa bago nangyari ang krimen.

Inaalam pa ng mga pulis kung may kaugnayan ang transaksyon sa krimen. —Maia Tria/LBG, GMA News