Pumanaw nitong Huwebes ng gabi ang batikang novelty singer at isa sa mga unang Pinoy rapper na si Vincent Dafalong. Sumakabilang buhay siya sa edad na 64.

Ayon sa kaniyang mga kapatid na sina Belen Quilet Belino at Teresita Quilet Aquino, komplikasyon sa puso ang ikinamatay ni Vincent, o Vicente De Castro Quilet sa tunay na buhay.

Naulila ni Vincent , ang kaniyang maybahay at tatlong anak.

Kabilang sa mga awiting pinasikat ni Vincent ang "Mahiwagang Nunal," "Ispraken Delight" at "Machoching."

Kilala rin sa paglikha ng mga awitin si Vincent at nakagawa rin siya ng ilang pelikula kung saan nakasama niya ang kababayang BatangeƱo na si Leo Martinez, at pati na sina Sen. Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon.

Sa nakaraang mga panayam, ikinuwento ni Vincent na nakuha niya ang screen name na "Dafalong" dahil sa hugis ng kaniyang ilong.

Minsan ding natampok sa programang "Tunay Na Buhay" ang buhay ni Vincent kung saan ipinakita niya ang gitarang tinuturing niyang prized possession.

Nakalagak ang mga labi ni Vincent sa Immaculate Conception motuary sa Balayan, Batangas at nakatakdang ihimlay sa Huwebes, Oktubre 26. -- Dyatz Tenorio/Jamil Santos/FRJ, GMA News