Pagkaospital dahil sa pagsusuka ng dugo at operasyon ng kaniyang nanay sa utak ang ilan lamang sa mga pagsubok na dinanas ni Koko sa buhay.

Ngunit malaki ang pasasalamat niya dahil hindi siya iniwan ng kasintahan niyang si Abie, na isang "Wowowin" contestant nitong Biyernes.

Nagpasalamat naman si Abie sa suporta ni Koko sa kaniyang mga pangarap.

Panoorin ang madamdamin nilang mensahe para sa isa't-isa.

—Jamil Santos/ALG, GMA News