Sa halip na magpadaig sa pagiging negatibo, ginawang motibasyon ng aktres na si Isabelle de Leon ang natanggap niyang puna noon tungkol sa kaniyang tiyan para mag-ehersisyo at tuluyang magpapayat.

Kasabay ng kaniyang bagong dance video sa Instagram, naalala ni Isabelle ang komento sa kaniya ng isang stylist noon na kailangan niyang "mag-stomach in."

Ang karanasan daw na ito ang nag-udyok sa kaniya na subukan ang pagsasayaw at workout, hanggang sa hindi na niya namalayan ang pagbawas sa kaniyang timbang.

Kaya naman hinimok ni Isabelle ang may mga fitness goals na huwag sumuko, at huwag gaanong manliit sa sarili.

Kasama ngayon si Isabelle sa cast ng "My Guitar Princess," kung saan gumaganap siyang kontrabida sa buhay ni Celina, ang karakter ni Julie Anne San Jose. —Jamil Santos/LBG, GMA News