Sinabi ng Kapuso star na si Bea Binene na masaya siya ngayon kasabay ng pag-amin na non-showbiz guy ang kaniyang manliligaw.

Gayunman, hindi na nagbigay ng detalye si Bea tungkol sa katauhan ng lalaki.

"Basta po ngayon, ayoko na kasing magsabi regarding that, basta masaya ako. Kasi nag-i-school po ako, magtatayo po ako ng business, tapos with the career, I'm very happy and content right now. 'Yung katawan ko na lang talaga," natatawang sabi ni Bea sa ginanap na press conference ng bagong GMA series na "Kapag Nahati ang Puso" nitong Biyernes.

 

 

Sa kaniyang mga post sa social media ni Bea, mapapansin ang pagiging blooming ng dalaga dahil sa mga bulaklak na natatanggap niya.

 

 

? ? ?

A post shared by Bea Binene (@beabinene) on

 

Una nang nilinaw ni Bea na hindi galing sa kaniyang kaibigan na si Alden Richards ang naturang mga bulaklak.

At muli itong nilinaw ni Bea; "Alden and I are really friends. Ako po, si Kristoffer Martin, si Alden, si Rodjun [Cruz]. Simula 'Tween Academy' pa po magkakaibigan na kami. Hindi ko po talaga alam kung saan nanggaling ang issue na 'yan."

Hinala ni Bea, nagsimula ang issue nang magkasama uli sila ni Alden sa ilang shows tulad ng "Eat Bulaga" at "Road Trip."

"Para sa akin nu'ng time na 'yon, I'm just really happy with them dahil alam kong very busy si Alden. So ako, hindi ko naisip na baka mag-isip 'yung mga fans or baka ma-bash ako kasi alam kong magkakaibigan kami," saad niya.

"Nu'ng tumagal po, doon na nag-start. Noon pong una, hindi talaga ako nagsasalita because I thought mari-realize ng mga tao na wala naman talaga silang dapat ipag-isip or anything... Hindi po nila nari-realize," patuloy niya.

Ayon kay Bea, matagal din siyang walang lovelife, at tila mas gusto niya ng "low-profile" lamang. "Opo. Ngayon parang mas maganda pala 'yung mas konti ang nakakaalam."

Sinabi rin ng aktres na na-meet na ng kaniyang ina ang naturang manliligaw niya.

Gaganap si Bea bilang si "Claire" sa "Kapag Nahati ang Puso" na mapapanood simula Hulyo 16 bago mag-"Eat Bulaga."-- FRJ, GMA News