Sa programang "Tonight With Arnold Clavio", naging panauhin ang matagal nang magkaibigan na sina Wendell Ramos at Antonio Aquitania, na dating nagkasama sa Bubble Gang.

Anila, malaki ang kanilang pasasalamat kay Michael V., na ipinaubaya ang isang show para sa kanilang dalawa.

"Si direk Bitoy actually, kung hindi niyo naitatanong, malaki ang utang na pasasalamat namin ni Antonio diyan. Dahil naalala ko, nu'ng merong in-offer sa kaniya na gawin na comedy show, actually siya ang artista du'n, but sabi niya 'I wanted to direct na lang at gusto kong artista si Wendell at si Antonio," pagkuwento ni Wendell, na isang balik-Kapuso.

"Aside from napakasayahing tao, talented, napakamatulungin pa niyan ni Michael V.," dagdag ni Wendell.

Samantala, ikinuwento rin ng dalawa ang kanilang basketball bonding at fitness workout para mapanatili ang kanilang mga maskuladong katawan. Panoorin ang video. — Jamil Santos/DVM, GMA News