Kakaibang venture naman ang sinusubok ni Kapuso actress Kris Bernal ngayon sa pagbubukas ng kaniyang bagong unli-Korean barbecue grill. At masaya siya dahil katulong niya dito ang kaniyang non-showbiz boyfriend na chef din ng restaurant.

 

 

"'Yung chef ko. The chef of House of Gogi is my non-showbiz boyfriend. he's also my supplier pagdating sa meat, pagdating sa raw materials, sa cheese. Kasi they have this family business that supplies all kinds of meat, cheese, dairy and all. In short, medyo matipid ang costing ko," natatawang sabi ni Kris sa pocket interview nitong Martes sa Quezon City.

LOOK: Kris Bernal goes on a Dinner in The Sky date with rumored non-showbiz boyfriend

Nagsimula ang dry run ng House of Gogi noong Hunyo. Matatagpuan ito sa Banawe, Quezon City, tampok ang unlimited, eat-all-you-can pork and beef kasama ang iba't ibang Korean dishes.

Masaya rin si Kris dahil mas mature at mas gamay na ng kaniyang boyfriend ang pagnenegosyo, kaya inaalalayan din siya nito.

"Malaking tulong 'yung boyfriend ko in a way that he's mature more than me. He's the one more dominating and directing the relationship. Mas gina-guide niya ako du'n sa aspect of doing business. Na ganito 'yung gawin ko, 'yung savings mo i-invest mo sa magandang bagay. But in terms sa support ng money, wala. That I can say, may sari-sarili kami."

"It's just that nagagamit ko lang nang maayos ang pera ko ngayon because mas may knowledge siya. He's five years older than me actually," dagdag ng aktres.

Naipakilala na rin si Kris sa mga magulang ng kaniyang boyfriend. "Okay na okay, as in walang problema," anang aktres.

May iniisip na si Kris na taon kung kailan nila planong lumagay sa tahimik.

"Not naman mag-asawa, but somehow, I'm planning it after three years, may ganu'n na akong thinking," saad niya.

Ayon kay Kris, naka-isang taon na sila ng kaniyang nobyo. "Nasa age na rin ako na nag-iisip, pinaplano ko na rin."

Gayunman, tuloy pa rin daw si Kris sa kaniyang pag-aartista kung sakaling mag-asawa na siya.

"But of course, love ko pa rin 'yung trabaho ko, love ko pa rin umarte. So as long as the projects are still there and they are still interested in me doing lead roles, pumapatak pa naman 'yung mga shows ko, so laban lang," pahayag ng aktres.-- FRJ, GMA News