Inihayag kamakailan ng aktor na si Joey Marquez na ayaw pa niyang mag-asawa ang kaniyang anak na si Winwyn Marquez. Ngunit kung ang actress-beauty queen kaya ang tatanungin, handa na kaya siyang lumagay sa tahimik kapag inaya ng nobyong si Mark Herras?

“Ayoko pa rin namang mag-asawa,” pahayag ng dalaga nang makausap ng PEP.ph sa press conference ng pelikulang Unli Life noong nakaraang linggo.

“At saka, hindi pa rin naman namin napag-uusapan ni Mark na mag-asawa anytime soon.

"Sinabi rin naman niya sa akin na he’s willing to wait and we’re both happy naman sa relationship namin ngayon.

“Obvious naman yata na masaya talaga kami, wala namang problema.

“In time, in time siguro… ngayon lang din ako nagkakaroon ng ganitong opportunities.”

Pero sa kanilang dalawa, mukhang si Mark ang mas gusto ng magpakasal kung sakali.

“Siyempre, nasa edad na rin naman si Mark,” pagsang-ayon ni Winwyn.

“Ako rin naman, siyempre gusto ko si Mark na ang mapapangasawa ko, di ba?

“Kung sino ang boyfriend mo, yun na rin naman ang gusto mo.”

Sabi rin ni Winwyn, gusto muna nilang makaipon pa.

“Siguro kailangan din muna naming mag-ipon.

"Ayaw rin naman naming pumasok sa relationship na hindi kami handa financially.

"Sabi nga ng dad ko, it’s not all about love, it’s more than that."

Kung sakali man magpapakasal siya, gusto raw ni Winwyn kapag natapos na ang kontrata niya sa GMA-7 at bago siya mag-30 years old.

“So mga three to four years, pero siyempre depende rin kapag nandiyan na ang three to four years, di ba? We wouldn’t know.”

Kasabay nito, nagtataka raw si Winwyn sa isyung bad influence diumano siya sa boyfriend na si Mark.

Ilang entertainment writers nga ang nagsabing tina-tag sila sa Instagram ng kung anu-anong kuwento tungkol sa reigning Reina Hispanoamericana.

Saad ng actress-beauty queen tungkol dito, “Siguro kung bad influence ako, e, di hindi ganyan ang life niya ngayon.

"Siguro walang nagsasabi sa kanya na ang ganda na ng takbo ng life niya ngayon.

“I mean, kayo mismo ang makakapagsabi.

“I don’t know where it's coming from.”

Patuloy ni Winwyn, “Maybe they’re insecure with their life or they’re insecure because we’re really happy. And, you know, we’re together.-- For the full story, visit PEP.ph