Nilinaw ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno na si Vitto Marquez ang usap-usapang may namamagitan sa kanila ng Kapuso actress na si Bea Binene.

Sa artikulo ni Rose Garcia sa PEP.ph nitong Biyernes, sinabi Vitto na magkaibigan lang sila ng dalaga.

“Kaibigan ko siya. Mahal ko siya as a friend,” anang binata.

Nang tanungin kung pagmamahal na higit pa sa kaibigan, natatawa niyang tugon, “Wala, kaibigan.”

Gayunman, sinabi ni Vitto na taga-showbiz ang babae na minamahal niya.

Sabi pa ng binata, may pagtingin na siya sa showbiz girl kahit noong hindi pa siya pumapasok sa showbiz.

"Ngayon kasi, mahal ko talaga ang trabaho ko, sobra.

"Yung love sa tao, hindi naman nawala, nandiyan lang yun, pero mas pina-prioritize ko ang trabaho ko."

Saad pa ng 22-anyos na si Vitto, "SSB" raw siya o single since birth.

“Wala pa akong naging girlfriend, pero may minahal ako.”

Tinanong din ng PEP.ph si Vitto kung pabor o boto na siya kay Mark Herras para sa ate niyang si Winwyn.

Sabi niya, “Kung saan masaya si Ate. Kasi si Ate, matanda na. So, kung saan siya masaya, support ako.”

Nang tanungin naman kung gusto nitong mag-asawa pang muli ang daddy niya, mas gusto raw niya na kung puwede ay mag-focus na lang ito sa kanilang mga anak niya.

Katuwiran ni Vitto, “Huwag na po sana. Kung tatanungin ako, sana mag-focus na lang sa mga anak. Pero hindi ko naman sinasabi na bawal siyang magka-girlfriend.

"At least, may nag-aalaga sa kanya habang kami ay nagtatrabaho. Kasi, matatanda na rin po kami."

Nakausap ng PEP.ph si Vitto sa presscon ng pelikulang Petmalu noong Linggo, August 12. -- For the full story, visit PEP.ph