Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," ipinaliwanag nina AiAi delas Alas, Lani Misalucha at Christian Bautista kung gaano kahirap maging hurado sa "The Clash," lalo na't pakiramdam nila na inaalisin nila ng pangarap na maging singer ang mga contestant sa tuwing nagtatanggal sila.

Sinabi rin ni Lani na mas naging mahigpit na sila ngayon sa pagsusuri sa mga kalahok lalo na umano si Christian. Alamin sa video na ito ang mga dapat na abangan sa Kapuso singing competition tulad ng gagawing pagsabak sa duet vs duet round ng mga kalahok. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affair videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News