Overwhelmed daw ang miyembro ng K-Pop group na Momoland sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga Pinoy sa pagdating nila sa bansa. Isa sa mga kaagad nilang nakasama sa picture taking ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

 

(Photo from Jinkee Pacquiao IG)

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing humarap sa panayam ng piling miyembro ng media at ilang Pinoy Merries, ang tawag sa Momoland fans sina Joo E, Nancy, Hye Bin, Ah In, Jane, Tae Ha at Daisy, na ginanap sa Facebook Philippines office.

Sabi ni Nancy, "It was so amazing and so stunned about it and Manny Pacquiao he was so nice and so cool we got to see him in person."

Natutuwa rin ang grupo na sobrang popular sa mga Pinoy ang kanilang kantang "Bboom Bboom."

"They're so cute and they all know our choreography so everytime they look at they're dancing you know so that's so cute thank you," sabi pa ni Nancy.

Napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na nakabisita sa Pilipinas si Nancy.

"I went to a small island called Bonito Island and that was my first experience here and that was so great and i got to do like scuba diving and fishing and ate a lot of mango and pineapple," kuwento niya.

Ang ibang Momoland members, gustong subukan ang ilang Pinoy food gaya ng adobo at balut. Nais din nilang bisitahin ang mga sikat na beach sa bansa.

"We really all enjoy going to the see the ocean or the beach so if we get the chance i think it will be lovely if we could visit a beach in the Philippines," sabi ni Daisy.

Nag-sample din ang grupo ng kanilang dance moves sa bago nilang single na "Baam," tampok sa kanilang music video ang jeepney at hawak nila ang Philippine flag. -- FRJ, GMA News